SAWI | Hitman ni Kerwin Espinosa at asawa nito patay sa pamamaril sa Albuera, Leyte

Patay ang isang lalaki na sinasabing hitman ng druglord na si Kerwin Espinosa matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Brgy Cambalading Albuera, Leyte kahapon ng hapon.

Ayon kay PNP Region 8 Regional Director Police Chief Supt. Dionardo Carlos ang nasawing hitman ay kinilalang si Jesus Tulin at asawa nito na si Sunshine Tulin mga residente ng Brgy. Mabini, Ormoc, City, Leyte.

Aniya, alas-3:30 ng hapon kahapon nang maganap ang pamamaril sa mga biktima sa mismong beqch house na pagaari ng isang Rogelio Allosa sa Brgy Cambalading, Albuera, Leyte.


Nakasuot aniya ng bonnet ang mga suspek batay sa mga testigo.

Narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang 13 empty shells at isang kalibre 45 baril.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Albuera Municipal Police Station sa insidente.

Facebook Comments