SAWI | Isa sa apat na hinihinalang tulak sa iligal na droga, patay sa engkwentro sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isa sa apat hinihinalaang drug pusher ang napatay matapos na magka engkwentro nang magsagawa ng buy bust operation sa Paco Roman Street Sta. Ana Manila.

Nakilala ang nasawi na si Efren Nimo 38 anyos residente ng Paco Roman Street Sta. Ana Manila,habang arestado naman agad sina Ferdinand Martinez 43 anyos, Rowena Gaveno 46 anyos at Romeo Clacio 35 anyos.

Ayon kay Police Station 6 Station Drug Enforcement Unit P/Chief Inspector Dionelle Brannon nagsagawa ng buy-bust operation ang MPD nang matunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang ka transaksyon kayat nagkaroon ng palitan ng putok sa no. 2225 Paco Roman St., Interior 3, Brgy 878, Sta. Ana, Manila na nagresulta ng pagkasawi ni Nimo kung saan narekober sa mga suspek ang isang plastic sachet na may lamang hinihinalaang shabu, (1) unit .38 revolver at mga bala.


Facebook Comments