SAWI | Isa sa nagsasanay sa pagkasundalo namatay sa training school

Zamboanga del Sur – Namatay habang nagsasanay para maging sundalo ang isang 22-anyos na binata sa division training school sa Labangan Zamboanga del Sur.

Kinilala itong si Candidate Soldier Randell Berlin tubong Pagadian City at panganay sa apat na magkakapatid.

Ayon kay Major Ronald Suscano tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army magsasaka ang ama ni Berlin habang Overseas Filipino Worker (OFW) ang ina nito sa Dubai.


Bago namatay nakatawag pa aniya ito sa kanyang nanay at sinabing kapag ganap ng sundalo ay pahihintuin na nito ang kanyang ina magtrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Suscano physically fit ito ng pumasok o bago isinailalim sa training pero sa kalagitnaan ng hirap ng pagsasanay kinapos sa paghinga ang biktima dagdagan pa ng tindi ng init kaya hindi ito kinaya ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Si Berlin ay kabilang sana 736 na mga bagong enlisted personnel ng Philippine Army na nagtapos kahapon sa Zamboanga del Sur.

Facebook Comments