SAWI | Isang babae, patay matapos saksakin sa gitna ng away sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang babae matapos itong saksakin sa gitna ng away sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Jomanie Nebres Mendiola, 30-anyos, maintenance ng DSWD at residente sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipagsabunutan ang biktima kasama ang pinsan ntiong si Janet Tajima sa kaaway nilang si Marie Patugallan.


Dahil sa hindi kinaya, humingi ng tulong si Patugallan sa mga kapitbahay kung saan isang hindi nakilalang lalaki ang sumulpot saksa sinaksak sa tagiliran si Mendiola at mabilis na tumakas.

Agad na isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit bina­wian din ito ng buhay sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Facebook Comments