Quezon Province – Patay ang isang buntis matapos mahulog ang sinasakyang van sa bangin sa Tagkawayan, Quezon Province.
Ayon sa Tagkawayan Police, binabagtas ng toyota hi-ace ang Quirino highway nang biglang mawalan ng preno ang driver na si Alinor Lomondot.
Tumama ang van sa waiting shed sa Barangay San Francisco bago ito nahulog sa 40 talampakang bangin kung saan patungo sana ito ng Maynila.
Agad namang isinugod ang mga sugatang pasahero sa ma. Lourdes Eleazar Memorial Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ang isang buntis na kinilalang si Sagira Haji Ebrahim habang ang siyam na kasama nito kabilang ang driver ay naka-confine pa din sa nasabing ospital.
Facebook Comments