Pasig – Patay on the spot ang isang construction worker matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Villa Evangelista Compound., Brgy. Palatiw, Pasig City.
Kinilala ang biktima na si Junnel Martinez 19 anyos, construction worker na nasawi kaagad sa pinangyarihan ng insidente.
Batay sa imbestigasyon ng Pasig PNP alas 5 ng umaga kanina habang naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang mga suspek at walang kaabog abog ay agad na pinagbabaril si Martinez sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang ikinamatay nito noon din.
Tumakas ang mga suspek naglakad lamang ng parang walang nangyayari kung saan iniwan ang biktima nakahndusay tadtad ng tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Inaalam na ngayon ng Pasig PNP kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen upang malaman kung sinu-sino at ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.