SAWI | Isang hindi pa nakikilalang lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Makati City

Makati City – Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaking pinagbabaril sa East Ramp, C-5 Road, Barangay Pembo, Makati City.

Dalawang tama ng bala sa katawan ang tinamo ng hindi pa nakikilalang biktima na nakasuot ng itim na short at t-shirt.

Kwento ng motoristang si Chin Galvan, nadaan lamang niya ang walang buhay na biktima sa sidewalk ng kalsada kaya at agad siyang tumawag ng mga otoridad.


Walang nakakita sa krimen pero nagkalat sa kalsada ang mga basyo ng bala kung sana nagpapatuloy pa din ang imbestigasyon sa krimen.

Facebook Comments