SAWI | Isang lalaki patay matapos barilin ng nakaalitang pulis sa Marikina

Marikina City – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng nakaalitang pulis sa Marikina City kagabi.

Nagsimula ang away nang mapuruhan ng sasakyan ng suspek ang side mirror ng minamanehong Toyota Avanza ng biktimang si Esteban Bunga.

Kinompronta umano ni bunga ang suspek pero pinagtulungan siyang bugbugin ng mga kasamahan nito.


Umawat naman kasama ni Bunga na si Arnold Eayam.

Pero maya-maya pa ay armado nang bumalik ang isa sa mga suspek na si PO1 Edgar Villamil saka pinagbabaril sina Bunga at Eayam.

Dead on arrival sa ospital si Bunga habang nagpapagaling pa si Eayam.

Nakakulong na sa Marikina City Police si Villamil habang tinutugis pa ang dalawa nitong kasamahan na tumakas matapos ang insidente.

Facebook Comments