SAWI | Isang lalaki, patay matapos pagbabarilin; CCTV hindi gumagana

Manila, Philippines – Katarungan ang isinisigaw ngayon ng pamilya ng 24-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay 174, Camarin, Caloocan City.

Magsasauli lamang ng upuan ang biktimang si John Paul Baros nang barilin ng isang suspek saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Todo hinagpis ang pamilya ng biktima dahil hindi naman daw ito nasasangkot sa anumang iligal na gawain at wala din nakaka-away lalo na at nananatili lamang ito sa loob ng bahay matapos magkasakit ng tuberculosis.


Makakatulong sana ang CCTV sa lugar pero nang hihingi na ng kopya ang mga pulis, dito na napag-alaman na sira pala ito at wala daw pondo ang barangay para mapaayos ito.

Facebook Comments