Valenzuela City – Todo hingi ng tawad ngayon ang isang barangay tanod matapos nitong mapatay ang isang lalaking bulag ang isang mata sa Valenzuela City.
Sa ulat, lasing ang biktima na si Benjamin Mesina nang iuntog ang ulo nito sa pader at suntukin ng tanod na si Angelito Calderon ng Barangay Arkong Bato.
Sinubukan pa ng biktima na tumayo ngunit hindi nito kinaya hanggang sa kaladkarin siya ng suspek sa eskinita at pagkaraan ng ilang minuto ay tinulungan ito ng ilang residente bago isinugod sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Depensa naman ng suspek, sumaklolo lang siya matapos umanong ma-harass ng biktima ang kaniyang anak.
Facebook Comments