SAWI | Isang lola, patay matapos malunod sa creek

Pangasinan – Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad para malaman kung may foul play na nangyari sa pagkalunod ng isang lola sa isang creek sa Asingan, Pangasinan.

Nakilala ang nasawing biktima na si Leoning Garcia, 88-anyos at residente ng Barangay Toboy, sa bayan ng Asingan.

Huling nakita nito ang lola sa loob ng kanyang bahay kung saan napansin na lamang ng ilang kamag-anak nito na nawawala na siya makalipas ang ilang oras.


Hinala ng mga otoridad, nadulas at nahulog sa creek ang lola na naging sanhi ng pagkalunod nito.

Facebook Comments