SAWI | Isang nanalong kagawad na dating miyembro ng CAFGU, patay sa pamamaril

Agusan del Norte – Patuloy na inaalam ng pulisya kung mga rebeldeng New People’s Army ang siyang responsable sa pagpatay sa isang kagawad ng Barangay Mahaba, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Nakilala ang biktima na si Edgar Panisan, dating miyembro ng CAFGU bago nanalong kagawad sa katatapos lamang na election.

Sa imbestigasyon, dumalo sa sayawan sa nasabing barangay ang biktima kung saan dito na siya pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek.


Nabatid na nakatanggap ng death threat ang biktima mula sa mga NPA bago ang insidente.

Facebook Comments