SAWI | Isang pedicab driver, patay sa pamamaril sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang pedicab driver matapos pagbabarilin sa Barangay 119, Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Mateo Gravio na namatay dahil sa tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa MPD Station 1, isang tao lang ang bumaril kay Mateo na naglakad lamang matapos ang krimen.


Limang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang nakuha sa crime scene.

Sinabi ng anak ng biktima, magkikita sana sila ng ama sa nasabing lugar dahil sahod niya ngayon at bibigyan niya sana ito ng pera.

Huli na nang makita niyang patay na ang tatay kung saan kwento pa nito na wala namang siyang alam na naka-away ng ama kaya at hindi niya alam kung sino ang suspek sa pagpatay.

Facebook Comments