Maguindanao – Dead on the spot ang isang tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ng Maguindanao matapos pagbabarilin sa national highway sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Tato Macabatal Budi, na naka-duty nang pagbabarilin ng isang suspek na sakay ng motorsiklo.
Ilan sa tinitingnang anggulo sa pagpatay sa biktima ay may kaugnayan sa trabaho o kaya ay may personal na galit ang suspek.
Inaalam din ng pulisya kung may koneksyon ito sa iligal na droga.
Facebook Comments