Makati City – Dead on arrival sa ospital ang isang tauhan ng Skyway Corporation matapos salpukin ng isang provincial bus sa Amorsolo exit, Makati City.
Sa ulat, nag-aayos ng mga traffic cone sa skyway ang biktimang si Maynard Joel Tolentino nang masagasaan ng Jam liner na may plakang DYA-697 na minamaneho naman ni Wisly Macaya matapos mag-overtake sa isang bus.
Sa nasabing insidente, tatlong iba pa ang sugatan pero hindi na binanggit pa ang mga pangalan ng mga ito.
Hawak na ngayon ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Facebook Comments