SAWI | Jeepney driver patay matapos tadtarin ng bala

Manila, Philippines – “Lintik lang ang walang ganti”.

Ito ang nakikitang dahilan ng mga pulis sa nangyaring pagpatay sa isang jeepney driver na pinagbabaril sa loob ng isang bahay sa Barangay 75, Tondo, Maynila.

Sa ulat, walang awang pinagbabaril ang biktimang si Angelito Samonte habang bumabatak ito ng shabu sa nasabing bahay na ginagawang drug den.


Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay nasa drug watchlist ng pulisya at kilalang buraot sa kanilang lugar kaya posibleng ang bumanat sa kaniya ay isa sa kaniyang naloko pagdating sa iligal na droga.

Napag alaman pa na tanging ang biktima lamang ang tinadtad ng bala ng suspek at hindi nito idinamay ang dalawang niyang kasama na kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya para kunan ng statement.

Facebook Comments