Bulacan, Philippines – Patay sa ambush ang isang kapapanalo lang na Barangay Chairman sa Malolos, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si Genaro Lopes, Kapitan ng Barangay Labne sa Bayan ng San Miguel.
Alas-11:45, papunta sana sa Malolos ang biktima nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek sakay ng motorsiklo.
Sugatan naman sa insidente ang kanyang driver.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga gunman.
Facebook Comments