SAWI | Kapatagan, Lanao del Sur Councilor Nassif Palawan Bansil, patay sa pamamaril

Lanao del Sur – Nasawi si Kapatagan, Lanao del Sur Councilor Nassif Palawan Bansil matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa balabagan, Lanao del Sur.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Balabagan Municipal Police, si Bansil kasama ang tatlong iba pa ay nasa loob ng compound ng dating Balabagan Municipal Mayor na si Hadji Amer Sampiano nang pumasok ang limang tao mula sa isang Toyota Tamaraw FX at pinagbabaril ang mga biktima.

Malibis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin.


Agad namatay si Bansil habang sugatan sa pamamaril ang tatlong kasama ng konsehal.

Posibleng ‘Rido’ o away-pamilya ang tinitingnang motibo sa insidente.

Naglunsad na ang mga awtoridad ng pursuit operation.

Facebook Comments