SAWI | Konsehal ng Sariaya, Quezon, patay sa pamamaril

Quezon – Namatay agad ang isa sa Municipal Councilor ng Sariaya Quezon makaraang pagbabarilin kaninang umaga sa Sitio Manalo Brgy Sampaloc 2, Sariaya Quezon.

Kinilala ang nasawing konsehal na si Aristeo Manalo Ilao, 55 anyos konsehal ng Sariaya Quezon.

Sa ulat ni CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar, alas-9 ng umaga kanina ng mangyari ang pamamaril sa biktima ng dalawang lalaking sakay ng motorisklo.


Sa ulat habang papasok sa kanyang bahay ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek at wala sabi sabing pinagbabaril ang biktima.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril sakay ng kulay ng dilaw at itim na motorsiklo patungo sa direksyon ng Maharlika hi-way.

Nagpapatuloy ngayon ang follow up operation ng mga pulis upang matukoy at matunton ang mga suspek at malaman ang motibo sa pamamaslang.

Facebook Comments