SAWI | Lalaki, dead on the spot matapos pagbabarilin sa Caloocan

Caloocan – Patay ang isang dating security guard matapos na pagbabarilin sa Bagong Silang, Caloocan.

Kinilala ang biktima na si Michael Magno, 35-anyos na kabilang sa barangay drug watchlist.

Sa imbestigasyon, sangkot sa kalakaran ng iligal na droga si Magno, bukod pa sa pagiging suspek sa pagpatay noong nakaraang taon kung saan nakulong na rin ito dahil sa illegal possession of firearms.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang motibo at inaalam na din nila kung may kaugnayan ang insidente sa dating mga kinasangkutang kaso nito.


Facebook Comments