SAWI | Lalaki, labas ang utak makaraang maaksidente habang angkas ng motorsiklo sa Quezon City

Manila, Philippines – Labas ang utak ng isang lalaki matapos itong maaksidente sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City.

Sa ulat, walang suot na helmet ang biktima na si Jubert Abenes, 29-anyos habang angkas ng kanyang kaibigang rider na si Roland Andres nang sila ay maaksidente.

Hindi naman makausap nang maayos si Andres na tila na-trauma sa pangyayari lalo na ng makitang biyak ang ulo ng kaibigan.


Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at iniisa-isa na ang mga establisyimento sa lugar upang malaman kung nahagip sa CCTV ang sa nangyaring insidente.

Facebook Comments