SAWI | lalaki patay habang isa sugatan sa pagsabog ng LPG Pasay City

Manila, Philippines – Isa ang patay isa ang sugatan matapos na sumabog ang LPG sa Island Air Corporation Island Gas sa 137 A Virata Street Bgry. 155 Tramo Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Renato Gaspar 49 anyos welder habang sugatan ang kanyang Supervisor na si Felix Angana na isinugod sa San Juan De Dios hospital.

Base sa inisyal na imbestigasyin ng Pasay PNP nagwewelding kaninag pasado alas 9 ng umaga dahil nagrerepair ng mga tangke ng LPG nanghindi inaasahan biglang sumabog kung saan nasabugan sa ulo si Gaspar na siyang ikinamatay nito noon din.


Ayon kay Jojie Paralisan ng Pasay DRRMO napansin nito sa loob si Gaspar na nakahandusay at wala nang buhay habang isinugod naman sa pagamutan si Felix.

Patuloy pa rin inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagsabog ng LPG.

Facebook Comments