SAWI | Lalaki, patay matapos barilin ng kaibigan sa Tayug, Pangasinan

Pangasinan – Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos barilin ng kaniyang kaibigan sa Tayug, Pangasinan.

Sa ulat, nag-iinuman ang biktimang si Julius Estokada at ang suspek na si John Dexter Laroya kasama ang kanilang mga kabarkada sa tapat ng bahay nito sa Barangay Trenchera nang magkaroon sila ng pagtatalo.

Bigla na lamang napikon ang suspek saka bumunot ng baril at pinaputukan ng ilang beses ang biktima hanggang sa mapatay.


Naisigod pa sa ospital ang biktima pero hindi na umabot pa ng buhay kung saan patuloy na pinaghahanap ang suspek na agad tumakas matapos ang insidente.

Facebook Comments