SAWI | Lalaki patay matapos mag-amok sa Makati

52

Makati City – Isang lalaki ang napatay ng mga tauhan ng Makati City Police matapos na nag-amok sa Barangay San Isidro sa Makati City.

Dakong alas siete kaninang umaga, ayon sa mga nakasaksi may kausap ang lalaki sa telephono at ilang saglit ay ibinato nito ang hawak na telephono at iniuntog ang ulo sa pader, mula noon ay naghamon na ng saksak sa lahat ng kanyang madaanan ang di pa kilalang lalaki.

Mula sa SM Hypermart sa Finlandia Makati, umabot ang pagwawala ng lalaki hanggang sa Bolivia Street corner Batangas Street at doon na inabutan ng mga rumespondeng pulis,

maging ang mga rumespondeng pulis ay kanyang inundayan ng saksak dahilan para paputukan siya ng baril, na agad na ikinamatay ng lalaki.

Facebook Comments