SAWI | Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Caloocan City

Caloocan City – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Bagong Silang, North Caloocan.

Tama ng bala sa ulo at dibdib ang ikinamatay ng biktimang si Oneng Bacani.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatambay sa labas ng bahay ang biktima kasama ang kaniyang bayaw nang dumating ang dalawang suspek at walang awa siyang pinagbabaril habang nakatakbo naman ang kaniyang bayaw.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente lalo pa at walang kaaway ang biktima at hindi din ito involve sa drugs ayon sa kaniyang pamilya.

Facebook Comments