SAWI | Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Caloocan City

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek sa Camarin, Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Alfredo Diaz, 43-anyos.

Sa paunang imbestigasyon, nasa bakuran lamang ng kanilang bahay ang biktima nang huminto nang huminto ang isang motorsiklo na may dalawang sakay sa tapat nito.


Bumaba ang angkas saka pinagbabaril ang biktima na agad tumakas.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

Facebook Comments