Manila, Philippines – Patay ang isang customer ng mall matapos itong pagsasaksakin ng store manager sa loob ng SM North-Edsa sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Geroldo Ramon Lopez.
Sa ulat, nagpunta ang biktima sa 5th floor ng nasabing mall para kunin ang pinagawang laptop.
Dahil walang maipakitang job order hindi ibinigay ng suspek na store manager na si Leo Laab ang pinagawang laptop ng biktima.
Nauwi sa sagutan ang dalawa hanggang sa kumuha ng kitchen knife ang suspek at sinaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.
Nagawang maisugod sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival kung saan nagkasa naman na ng hot pursuit operation ang mga pulis laban sa suspek.
Facebook Comments