SAWI | Lalaki patay matapos sunugin ang sarili nitong bahay sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos nitong sunugin ang sariling bahay sa Tondo, Maynila.

Sa salaysay ng mga kapitbahay ng biktima, uminom muna ng asido si alyas Kulot at sabay na sinilaban ang kanilang bahay sa Gagalangin, Tondo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Manila, ilang araw ding napansin ng kanyang mga kapitbahay si alyas Kulot na tila wala sa sarili at may malaking problemang iniinda.


Wala namang ibang nasaktan sa sunog at wala na din nadamay na iba pang bahay.

Unang sumiklab ang sunog pasado alas 9:55 kahapon ng umaga at tumagal lang ito labing limang minuto bago tuluyang naapula kung saan itinaas lamang ito sa unang alarma.

Facebook Comments