SAWI | Lalaki, patay matapos tambangan sa Roxas Bvld. sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang hindi pa nakikilalang biktima matapos tambangan sa kanto ng Roxas Blvd. at Pedro Gil sa lungsod ng Maynila.

Sa ulat, hinarang ng mga hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo ang kotse ng biktima na may plakang UUV-966 saka ito tinadtad ng bala.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.


Sisilipin na din kung nahagip ng CCTV ang insidente para malaman ang plate number ng motorsiklong ginamit ng mga nakatakas na suspek.

Facebook Comments