SAWI | Lalaki – patay sa pamamaril sa Antipolo

Dead-on-the-spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals sa Antipolo City.

Pasado alas 12:00 kaninang tanghali nang nangyari ang insidente sa Purok Dos, Sitio Manelete sa Barangay Mayamot.

Ayon sa nakasaksi, malapitang binaril ng mga gunman ang hindi pa rin nakikilalang biktima.


Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng itim na motorsiklo.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa krimen.

Facebook Comments