SAWI | Lalaki, patay sa pamamaril sa Quezon City

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Area D, Luzon Avenue kanto ng Samat Road, Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay QCPD Police District Senior Superintendent Joselito Esquivel, nakilala lang ang biktima na si alyas Toto.

Naniniwala naman si Esquivel na may kinalaman sa droga ang pamamaslang sa biktima.


Gayunman, patuloy pa ring aalamin ang motibo sa pamamaril maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments