SAWI | Lalaking nagtangkang manggahasa, patay matapos bugbugin at barilin

Aklan – Patay ang isang lalaki na nagtangkang gumahasa sa isang babae at pagkidnap sa anim na taong anak nito sa Barangay Tambuan, Malinao, Aklan.

Kinilala ang nasawi na si Mario Igcasenza, 40-anyos ng Barangay Badiangan, Banga, Aklan.

Sa imbestigasyon, pinasok ni Igcasenza ang bahay ng isang mag-ina kung saan hindi nito nagawa ang masamang balak dahil agad nakahingi ng tulong ang ginang.


Mabilis naman sumaklolo ang ilang mga kapitbahay kaya at hinabol si Igcasenza at pinagtulungang bugbugin hanggang sa barilin ito.

Naaresto ng pulisya ang dalawang suspek na bumaril kay Igcasenza na nakilalang sina Coleen Yecla, 42-anyos, mister ng ginang na muntik ma-rape at Raffy Magcope.

Facebook Comments