Davao City – Patay ang isang lalaki makaraang mang-hostage ng isang negosyante sa Davao City.
Nakilala ang nasawing suspek na si Harland Garvida, 40-anyos.
Sa ulat, biglang pumasok ang suspek sa inuupahang bahay ng negosyanteng si Allen De Vera sa Woodridge Subdivision, MAA Davao City.
Bigla nitong kinuha ang kutsilyo at nagtangkang saksakin ang biktima pero nakuha ng negosyante ang kaniyang baril saka sila nag-agawan dito.
Biglang pumutok ang baril at tinamaan ang isang kasambahay na si Anna Flores kung saan nagawang makatakas ni De Vera kahit pa sugatan ito.
Ginawang hostage ng suspek ang iba pang kaanak at nang rumesponde ang special weapons and tactics team ay sinubukan nilang kausapin si Garvida pero pumalag ito kaya napilitan siyang barilin.