Camarines Sur – Patay ang magkapatid matapos madaganan ng puno ng “Buri” sa Barangay Matauroc, Minalabac, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Shiela Dela Cruz, 12-anyos at Justine, 6-anyos habang sugatan naman ang kanilang ina na anim na buwang buntis na si Edlyn at dalawa pang kapatid na edad apat at dalawa.
Sa ulat, natumba ang nakatanim na puno ng buri sa bakuran ng Pamilya Dela Cruz dahil sa lakas ng hangin.
Sinubukan pang iligtas ng kanilang ama ang magkapatid at ng mga residente sa lugar pero hindi nila nakayang buhatin ang puno na halos 30 taon nang nakatanim sa nasabing lugar at may habang 30 talampakan.
Facebook Comments