Davao del Norte – Dead on the spot ang isang miyembro ng mamamahayag matapos na pagbabarilin sa National Highway sa harap ng isang bangko sa Brgy New Pandan, Panabo city kaninang ala-1:10 ng hapon.
Kinilala ang nasawing media na si Dennis Wilfredo Denora 67 anyos, nagtatrabaho bilang journalist sa Trends and Time Newspaper at residente ng P-Bearbrand, Barangay New Pandan Panabo City, Davao Del Norte.
Ayon kay Police Supt Milgrace Driz ang tagapagsalita ng PNP Region 11, nakasakay sa kanyang kotse si Denora na nasa frontseat habang minamamaneho nang kanyang drayber na si Mayonito Revira nang biglang dumikit sa kanila ang lalaking sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima, nakatakbo naman ang drayber nito.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa ulo na dahilan ng kanyang pagkamatay habang sugatan ang kanyang drayber na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kanang kamay na ngayon ginagamot sa Revira Medical center, sa Panabo City.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 3 bala at 1 fired crtridge case ng kalibre 45 baril.
Isa sa tinitingnan anggulo ngayon ng PNP ay may kinalaman sa trabaho ang pagpatay sa biktima.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pulisya sa krimen.