SAWI | May-ari ng isang sari-sari store, patay sa pamamaril sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay ang isang may-ari ng sari-sari store matapos barilin ng isang nagpanggap na customer sa Barangay Patayas, Quezon City.

Nagbabantay lamang ng tindahan ang biktimang si Jocelyn Palacpac, 46-anyos nang may isang lalaki na bumili ng alak.

Bago pa man makuha ng biktima ng produkto ay bumunot na ng baril ang lalaki saka pinaputukan ang biktima.


Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments