SAWI | Miyembro ng NPA, patay matapos makaengkwentro ang tropa ng militar sa Apayao

Apayao – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army makaraang maka engkwentro ang tropa ng Northern Luzon Command (NOLCOM) kaninang tanghali.

Sa ulat ni Lt. Col. Isagani Nato, Spokesperson ng NOLCOM, nagsasagawa ng Focused Military Operations ang “A” company ng 17th Infantry Batallion nang makasagupa ang nasa 20 NPA Terrorists sa Sitio Aggingay Bassit, Brgy Malayugan, Flora, Apayao.

Nagtagal ng 15 minuto ang sagupaan bago tumakas ang mga NPA members.


Kinilala ang nasawing NPA na si Danao Gualo Besuitan na residente ng Brgy Bural, Rizal, Cagayan.

Nag ugat ang kanilang operasyon matapos magreklamo ang mga residente sanlugar sa panggugulo ng NPA.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng militar sa mga natakas na NPA.

Facebook Comments