SAWI | Municipal employee ng Mulanay Quezon, patay sa pamamaril

Quezon Province – Patay ang isang empleyado ng munisipyo Mulanay Quezon matapos pagbabarilin sa national road ng Barangay Sta Rosa, Mulanay, Quezon kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Ruben Funtillar Subia 60-anyos, residente ng Sitio Paitan Barangay Sta Rosa, Mulanay, Quezon.

Sa ulat ni Pnp Calabarzon Regional Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar alas -5:10 ng madaling araw kanina pauwi ang biktima sa kanilang bahay sakay ng kulay asul na motorsiklo nang biglang lapitan nang nakamotorsiklo ring suspek at pinagbabaril ng ilang beses.


Ang suspek ay nakahelmet ng kulay asul at nakasuot ng jacket na kulay brown.

Agad itong tumakas sa direksyon Catanauan na ngayon ay target ng manhunt operation ng PNP.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 13 piraso lng empty shells ng caliber 9mm.

Facebook Comments