SAWI | Patay sa hagupit ng bagyong Urduja, umakyat na sa tatlo

Manila, Philippines – Tatlo ang patay kabilang na ang isang dalawang taong gulang na bata sa pananalasa ng bagyong Urduja.

Ito ang kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Dir Ricardo Jalad kung saan patuloy pang kinukumpirma ang kanilang mga pangalan.

Ayon kay Jalad, ang namatay na bata sa Mahaplag, Leyte ay nalunod sa baha habang ang dalawa ay natabunan ng gumuhong lupa.


Ang dalawang mangingisda na nawawala ay natagpuan naman na sa dalampasigan ng Dinagat Islands.

Anim ang nawawala, tatlo dito ay taga Eastern Samar habang tatlo sa landslide sa biliran, Leyte habang apat ang naitalang nasugatan.

Samantala, hindi naman na madaanan ang isang lane sa national highway sa Capoocan, Leyte matapos itong gumuho dahil sa hagupit ng bagyong Urduja.

Facebook Comments