SAWI | Pedicab driver nalunod sa Manila Bay, patay

Manila, Philippines – Nasawi on the spot ang isang pedicab driver matapos na malunod sa Manila Bay sa Roxas Boulevard. Ermita Manila.

Nakilala ang biktima na si Christopher Ian Torres 35 anyos Pedicab driver residente ng Nakpil Street Tondo Manila.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Joseph Cabigting ng Homicide Section ng MPD kaninang alas 7:30 ng umaga naglalaro ang biktima kasama ang ilang batas sa Manila Bay nang hindi inaasahan ay napagawi sa ilalim na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.


Inaalam pa ng MPD Homicide Section kung umiinom ng alak ang biktima bago naligo sa naturang Manila Bay at iniimbestigahan din ng mga otoridad kung mayroong foul play sa naturang insidente.

Facebook Comments