Tondo – Patay na ng dumating sa Gat Andres Memorial Medical Center ang isang pintor matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Perla Street kanto ng Quirino Street Tondo Manila.
Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo na si Alvin Mergarejo 29 anyos residente ng Perla Street Brgy. 121 Tondo Manila.
Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jayson Emata habang masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa naturang lugar ay bigla nalamang sumulpot sa kanyang harapan ang hindi kilalang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima bago tumakas.
Inaalam na ng mga otoriadad ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pamamaril at tinitingnan din ng MPD kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.
Facebook Comments