Taguig City – Patay ang isang pulis matapos aksidente umanong mabaril ng kapwa niyang pulis sa Taguig City.
Kwento ng suspek na si Police Officer 1 Pamfilo Arguta, jr., tine-testing lang niya umano ang service firearm habang nasa labas ng tinutuluyan sa dial compound nang bigla itong pumutok sa kasamahan niyang si Police Officer 1 Adrian Bermas.
Nagtamo ng tama sa dibdib si Bermas na naisugod pa sa ospital pero binawian din ng buhay.
Parehong miyembro ng regional mobile force battalion ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang suspek at ang nasawing biktima.
Labis-labis naman ang paghingi ng tawad ni Arguta sa pamilya ng biktima.
Facebook Comments