SAWI | Sampung taong gulang na bata, patay nang masaksak

Manila, Philippines – Patay ang isang sampung taong gulang na bata makaraang masaksak ng nag-amok na lalaki sa Quezon Street, Tondo, Maynila.
Nadala pa sa Mary Johnson Hospital ang biktimang si Alvin Pancho na nagtamo ng sugat sa dibdib pero hindi na nasagip ng mga doktor ang buhay nito.
Ayon sa ama ng biktima na si Christopher Pancho, pinagtitripan ng suspek na si alias Jojo ang isang Nestor Adelentado sa lugar, nang mahagip ng kutsilyo ang bata na noo’y pauwi na sa kalapit na Magsaysay Street.
Agad tumakas si alias Jojo matapos ang insidente kung saan dati na itong nahuli sa kasong droga pero nakalaya rin.

Facebook Comments