Manila, Philippines – Patay ang isang stall owner sa nangyaring pamamaril sa loob ng 999 mall sa Divisoria, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Edilberto Pornobi, 60-anyos na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.
Pasado alas-dos ng hapon kahapon, nangyari ang insidente sa ikalawang palapag ng mall.
Ayon sa Manila Police District (MPD), naka-takip ng surgical mask ang mga mukha at may suot na mga sunglasses at sombrero ang dalawang suspek.
Patuloy na sinusuri ng mga awtoridad ang kopya ng CCTV footage habang iniimbestigahan ang krimen.
Facebook Comments