Lanao del Sur – Patay ang isang kandidato sa pagka-barangay chairman matapos pagbabarilin ng ilang mga armadong suspek sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Malaganding, Tubaran sa Lanao Del Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Tubaran Municipal Police Station, pumasok umano ang mga suspek sa loob mismo ng bahay ng biktimang si Hadji Ansary at saka siya pinagbabaril habang tulog.
Posible umanong personal na galit ang dahilan ng insidente dahil walang tumakbong katunggali ang biktima.
Samantala, nasawi naman ang isang re-electionist na kapitan ng Barangay sa Davao City matapos manlaban sa mga pulis na naghain ng search warrant sa kanyang bahay.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 11,
tinutukan sila ng barangay kapitan ng Pangyan na si Antonio Guatno dahilan para siya ay mabaril ng mga ito
Itinakbo pa sa ospital ang kapitan ngunit dead on arrival ito.
Ang search warrant ay para sa mga iligal na armas na nasa loob ng bahay nito.