SAWI | Tatlo, patay matapos pagtatagain ng kanilang kainuman sa bayan ng Nueva Valencia, Guimaras

Guimaras – Patay ang tatlong na tao matapos pagtatagain ng kanilang kasama sa inuman sa island barangay ng Guiwanon, Nueva Valencia, Guimaras kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Jofie Umilig, 34-anyos; Ignacio Dela Cruz Jr., 36-anyos; at si Elvic Vera Cruz, 35-anyos, lahat residente ng naturang lugar.

Habang ang suspek ay kinilala naman na si centil june gamilla, 19-anyos.
Ayon kay Police Chief Inspector Ali Estember, hepe ng Nueva Valencia PNP na base sa kanilang imbestigasyon , naganap ang insidente mga alas 12:30 kahapon ng madaling araw kung saan pinagtataga ni Gamilla ang mga biktima na lasing na.
Una rito, sinasabing inutusan ng mga biktima ang suspek na bumili ng inumin ngunit natalagan ito sa pagbalik kung kaya at pinagalitan nila ito.

Dahil dito, umalis na lamang ang suspek pauwi sa kanilang bahay ngunit lihim sa pagkakaalam ng mga biktima, kumuha ito ng bolo at saka bumalik at doon walang pakundangan na pinagtataga nito ang tatlo na naging dahilan ng kanilang kamatayan.


Tumakas naman ang suspek ngunit sa hot pursuit ng mga pulis, kaagad naman itong nadakip kahapon ng hapon.

Naisampa na ng mga pulis ang kaso na 3 counts ng murder laban kay Gamilla.

Facebook Comments