Navotas City – Patay ang isang traffic enforcer matapos na pag babarilin habang nag ka-kape sa M. Naval Street, Barangay. Tangos, Navotas City.
Sa ulat, papatapos na sana ang duty ng biktimang si Edson Gubrian nang barilin ng mga hindi nakilalang suspek na sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan.
Kwento pa ng mga kasamahan nito, pinatay ang biktima habang umiinom ng kape dahil nagpapahinga na daw ito lalo na at wala na masyadong traffic sa pinopostehan nitong lugar.
Palaisipan pa naman ang motibo sa pagpatay dahil sa walang nakaka-away ang biktima base na din sa salaysay ng katrabaho at pamilya nito.
Facebook Comments