SAWI | Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Caloocan city

Caloocan City – Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang salarin sa 4th Avenue, Barangay 46 Zone 4, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si alyas Egay Clemente na nakatambay lang sa nasabing lugar nang pagbabariling ng apat na mga lalaki.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.


Napag-alaman na kasama sa drug watchlist ng barangay ang tricycle driver.

Dati na rin itong sumuko sa oplan tokhang pero muling bumalik sa paggawa ng illegal drug activities.

Facebook Comments