SAWIKAAN 2018 | ‘Tokhang’, itinanghal na salita ng taon

Manila, Philippines – Itinanghal na salita ng taon ang ‘tokhang’ sa komperensya ng sawikaan 2018 na ginanap sa University of the Philippines Diliman.

Napili ang tokhang na mula sa salitang bisaya na ‘toktok’ o ‘katok’ at ‘hangyo’ o ‘pakiusap’.

Ayon kay Filipinas Institute of Translation Executive Director Joey Baquiran – sumikat ito dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.


Para naman kay National Artist for Literature Virgilio Almario – salungat ang mga nangyayari ngayon sa tokhang kumpara sa tunay na ibig sabihin nito.

Binanggit din ni Almario ang mga dahilan kung bakit naging sikat ang salitang ‘tokhang’, kabilang na ang pamamaraan na paggamit nito sa mga pelikula at teleserye.

Hindi na rin mabilang ang mga art exhibit at mga libro tungkol dito.

Ginagamit na rin ito sa mga kainan.

Pumangalawa sa listahan ang mga salitang ‘fake news’ at ‘dengvaxia’

Napili naman bilang online favorite ang salitang ‘foodie’.

Facebook Comments