SB19, nominado bilang Best Southeast Asia Act sa MTV Europe Music Awards

Nominado ang Filipino boy group na SB19 sa 2021 MTV Europe Music Awards bilang Best Southeast Asia Act.

Nakuha ng grupo ang nominasyon matapos mag-hit ang single nila na “MAPA” kung saan umabot na sa 53 million ang views sa YouTube.

Ang SB19 lamang ang Pilipinong grupo na nominado ngayong taon sa MTV EMA kung saan gagawin ang awards nights sa Hungary sa Nobyembre 15.


Una nang nakatanggap ng nominasyon ang SB19 sa Billboard Music Awards noong Abril ng taong kasalukuyan.

Facebook Comments